waha, drama na naman!
nyahahahaha. joke! :D
anyway, exam week na namin. ahh, patayan na naman ng brain cells! pero ayos lang, since siguro isa na ito sa mga araw na mag-eexam ako as a high school student.
ayun, actually dapat gumagawa na ako ng mapeh project pero tinatamad pa ako.
SEM BREAK: oo, may sem break kami. pero 1 week lang. hindi nga siguro ako magbabakasyon kasi mageensayo kami ng kanta at sayaw para sa concert (?) namin sa december 12. yess naman! hahaha!
hmm, ano na nga ba ang nangyayari sa buhay ko ngayon? well, ganun pa rin. kain dito, kain doon. hahahaha. :D
masarap ang feeling na kilala ka ng lahat ng kaklase mo. di ka loner. nakakatuwa mga kaklase ko ngayon. UNPREDICTABLE ang mga reaksyon nila. at least minsan, MINSAN lang talaga, united kami. lalo na pagdating sa mga homeworks.
nakakatuwa talaga ngayong year kasi ngayon lang ako naka-experience ng notes na isesend sa iyo kasi naka-powerpoint o kaya naman through cellphones. nakanaks! ASSSTIG! tapos uso na sa amin ngayon ang hand-outs. di na kami nangangapang kumopya sa board. hahahaha.
ngayon ko lang din maramdaman ang kabang dadalhin ng MAPEH sa akin. ewan ko ba kung bakit ang reklamador ko. kasi 10 buhay ng tao ang kailangang memoryahin. nakakabaliw! :D
kontento na ako sa buhay ko ngayon. hahayaan ko muna yung mga nakakairita sa paligid. may panahon din sila sa akin.
anyway, magaling na OIC si sir zape. ang galing niya talaga! grabe! :D
may PERA SA BASURA nga pala kami. masaya to kasi nag-iikot kami sa bahay-bahay para manghingi ng hindi na ginagamit na papel, plastic bottles, karton. kung may tanso kayo diyan, bigay niyo naman. nag-iikot din kami sa lower years. new experience yun! pero hindi na bago sa akin ang kapalan ang mukha at magmakaawang humingi ng kung anu-ano. sanay na. hahaha. :D
masarap ang pizza kina rose anne. mura na, makapal pa ang tinapay. . . pati na ang KETCHAP.
hindi ko rin makakalimutan yung mr. and ms. mand sci kung saan publicly naming binully si PRANING. ewan, medyo irita talaga kami dun. boto ko talaga nung una sa shikaena (tama ba?!), pero nasarapan akong sumigaw ng arianne, almond! and hanga ako kay arianne, kaya ARIANNE ALMOND!
haay, masarap nga talagang maging high school student.
napag-usapan nga namin nung isang araw na last year na talaga namin to. wala nang balikan.
pagka-graduate. goodbye HS na talaga.
and talagang gusto kong sulitin tong time na to kasi alam ko na pag nag-college na, hiwa-hiwalay na talaga kami. (depende na lang kung tinadhana talaga kayo para sa isa't isa which is soooo impossible) mahirap nang tumawa kapag matagal kayong di nagkita. iba na ang mga uri ng jokes na tinatawanan niyo, iba na ang mga trip niyong words. yung mga pananaw sa buhay, mag-iiba yan panigurado. iba na ang mukha ng mundo sa lahat. hindi na magkakapareho ang tingin sa tao. baka hindi na malait ang ibang tao kasi naging banal na. eto ang pinakamatindi, either nahihiya o limot ka na nila. :(
mahirap kapag ganun. mahirap makipag-usap and eventually baka hindi na talaga mag-usap kasi nakakita na ng mas masaya, mas kuwela at mas may katuturang barkada.
nakakalungkot isipin pero ganun talaga. hindi na pare-pareho ang growth namin. yun ang sabi ng madre sa amin dati.
pero sana, hindi ko talaga malimutan lahat ng ginawa ko sa hayskul. ayoko talagang kalimutan at sana di rin ako makalimutan ng hayskul.
anyway, tama na ang drama. what's important is the present, right?!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment