di nga, seryoso, parang ang sarap gumawa ng manga. sarili mong gawa. siguro, hang over lang 'to dahil sa statisitcs project namin at sa araw-araw pagbasa ng manga online.
actually, na-aaddict na ako! nga pala, i've watched NARUTO shippuuden ep 1 until 24. ang ganda na ng mga pangyayari. nakaka-excite mapanood yung next episode. ang nakakainis lang dun eh, malakas si SAKURA. pamatay. maganda na sana, joke! it's nice na at least ngayon, hindi na siya pabigat. pero hanggang ngayon, wala pa rin akong interes basahin ang manga nun online.
speaking of which. nakakita ako ng mga sites na may manga! ito'y dahil sa addiciton ko sa Ouran High School Host Club. ganda kasi. and i came across some few manga sites. ang galing nila super! hanga talaga ako. nakakatuwa! nakakita ako ng RAVE manga! pero hindi ko pa binabasa, hindi ko alam kung saan ako magsisimula.
another thing. ang dami kong nakita sa youtube because of a few classmates. una, yung suicidal song na Gloomy Sunday. pero ako, i was more scared than depressed. yung history ng kanta ay way back pa nung mga 1930's pa ata. and yung composer niya pagkatapos pakinggan yung buong piece, nagpakamatay. pati yung asawa niya. tragic grabe. and when it was released, maraming tao ang nagpakamatay. i don't know why. sabi nila may subliminal message daw yung kanta, pero since hindi ako pinagkalooban ng ganun kagaling na common sense, ayun. BOOM! pero hungarian song siya, may english version din. pero nung una, sobrang na-depress nga ako. nakaka-depress nga talaga yung kanta. ang lalim kasi. wag niyo na lang i-try pakinggan, baka ma-headlines pa kayo bukas. another fact pa pala, pina-BAN yung kanta sa hungary kasi nga maraming nag-suicide. WAG NIYO NA I-TRY.
pangalawa. matapos naming pakinggan yung kanta, pinanood namin yung Maritess vs SuperFriends. grabe ito ang pamatay! papatayin ka sa sobrang tawa, yun nga lang kapag may mga kasama ka pang iba. nakakatuwa talaga siya as in. dito ako magpapakamatay. grabe, ang galing! ang galing talaga!
pangatlo. nanood naman kami ng Dan Michael. ito din pamatay. sobra. bida dito yung host ng the Ramon Bautista Show. ang galing grabe. try niyong panoorin.
fourth. yung Torn by Johann Lippowitz. ito din nakakatuwa. ang galing din nito. search niyo sa youtube. hindi masasayang ang inyong time.
madami pa eh. pero hanggang dito muna. meron nga pala akonng nakalap na tanong galing sa aking kaibigan, "what is the sound of a one hand clap?"
kung pumalakpak ka, paganahin mong muli ang iyong common sense. wala namang one hand clap! two hands meron!
ang galing. parang "ilan ang dwarf ni cinderella?"
kung ang sinagot mo e, pito. mali ka! dahil walang dwarf si cinderella! si snow white meron.
so. eto ako ngayon. tapos na lahat ng exams at 1 project na lang ang natitira. kaya masaya. yung sinabi kong manga sites kanina, ilalagay ko yung link para mapuntahan niyo din. if ever na
may nagbabasa man ng blog ko.
yun lang. ay hindi pa pala! may ishe-share pa pala ako.
nakita ko si Billy Crawford sa simbahan, St. Francis. handsome siya, makinis, maputi at kagalang-galang tignan. pero sabi ni mama, maliit daw ang ulo niya. ayun.
tapos, paminsan-minsan, manood kayo ng national geographic channel. maraming magandang segments dun. interesting. featured pa nga minsan ang Pilipinas. o diba! sikat!
hahaha. nakatutuwa. hanggang ngayon gusto ko pa rin bitbitin ang camera namin. ang dami kasing sights sa labas na ang galing!
sige, hanggang dito na lang. next time ulit.
www.onemanga.com --> diyan ko nakita yung Rave at marami pa siyang mangas. may forum pa!
www.thespectrum.com --> diyan naman, Vampire Knight. maganda tong manga series.
www.mangatemple.com --> kakaunti lang ang manga dito. pero ayos din.
visit niyo yan.
-- i-ban na rin ang mga hindi makatarungang test ng mga teachers! maraming magpapakamatay! -- haha! joke lang!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment